Laugh 'til you Dropped

kalokohan, kagaguhan, kapraningan, kaepalan...

Tuesday, October 03, 2006

Parental Wisdom -- Filipino Style

(1) Si Inay, tinuruan ako HOW TO APPRECIATE A JOB WELL DONE: "Kung kayong dalawa ay magpapatayan, doon kayo sa labas! Mga leche kayo, kalilinis ko lang ng bahay."

(2) Natuto ako ng RELIGION kay Itay: "Kapag 'yang mantsa di natanggal sa carpet, magdasal ka na!"

(3) Kay Inay ako natuto ng LOGIC: "Kaya ganyan, dahil sinabi ko."

(4) At kay Inay ako natuto ng MORE LOGIC: "Pag ikaw nalaglag diyan sa bubong, ako lang mag-isa manonood ng sine."

(5) Si Inay ang nagturo sa akin ng IRONY: "Sige ngumalngal ka pa at bibigyan talaga kita ng iiyakan mo!"

(6) Si Inay ang nagpaliwanag ng CONTORTIONISM: "Tingnan mo nga yang dumi sa likod ng leeg mo, tingnan mo!!!"

(7) Si Itay nagpaliwanag ng STAMINA: "Wag kang tatayo diyan hangga't di mo nauubos lahat ng pagkain mo!"

(8) Si Inay ang nagturo sa amin ng WEATHER: "Lintek talaga kayo. Ano ba itong kuwarto nyo, parang dinaanan ng bagyo!"

(9) Si Itay nagturo ng BEHAVIOR MODIFICATION: "Tumigil ka nga diyan! Huwag kang umarte na parang Nanay mo!"

(10) Si Inay nagturo ng GENETICS: "Nagmana ka nga talaga sa ama mong walanghiya!"

(11) Si Inay ang nagpaliwanag sa amin ng ENVY: "Maraming mga batang ulila sa magulang. 'Di ba kayo nagpapasalamat at mayroon kayong magulang na tulad namin?"

(12) Si Itay nagturo ng ANTICIPATION: "Sige kang bata ka, hintayin mong makarating tayo sa bahay!"